Miyerkules, Hulyo 27, 2016

Ang Aking Inaasahan



            
              Marami tayong mga inaasahan sa bawat bagay. Mga inaasahan na tiyak na makapagbibigay galak sa atin kapag atin na itong nakamit o ito'y natupad. Ngayon na nasa bagong yugto na naman ng aking buhay, ang baitang siyam. Alam ko na malaki ang mga pagbabago ngayon kumpara sa nakaraang baitang. Bagong aralin mga akda at marami pang iba . 
           
       Sa unang markahan sa Filipino 9, inaasahan ko na matutunan ang bawat aralin na tatalakayin namin. Inaasahan ko rin na ang bawat akda , maikling kuwento, nobela, tula at iba pang uri ng panitikan ay maging kapana-panabik, madaling maintindihan at tiyak na kapupulutan ng aral. Nais ko rin madiskubre ang aking mga kakayahan pagdating sa presentasyon, gramatika/pagsulat at pananalita. Ako rin ay umaasa na maayos akong makikilahok sa talakayan. Inaasahan ko rin na malaman ang bawat kultura, paniniwala at ugali ng bawat mamamayan ng mga bansa sa timog-silangang asya sa pamamagitan ng mga akda nila. 
       Bilang panapos umaasa ako na marami akong matutunan pagkatapos ng markahang ito upang maihanda ko ang aking sarili sa susunod na markahan.
                                                     

2 komento: