Magandang araw, ikinagagalak ko na makalikha ng isang blog, dahil mula rito malaya kong maisusulat ang aking mga nararamdaman. Kakikitaan mo ito ng mga gawain ko sa asignaturang Filipino at mga sanaysay na patungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan.Sana'y ikaw ay maaliw sa pagbabasa ng mga nilalaman ng aking blog. Salamat!!
Miyerkules, Hulyo 27, 2016
Earthquake Drill 2016 (MbNHS)
Noong nakaraan lamang ika-20 ng Hunyo 2016 muling isinagawa ang earthquake drill sa Paaralang Sekondarya ng Mambugan. Ngunit para saan nga ba ang naturang gawain? at bakit kailangan itong malaman ng mga mag-aaral na tulad ko?
Ang earthquake drill ay isang gawain na naglalayong ipaalam sa isang indibidwal kung ano ang kanyang gagawin sa oras ng sakuna partikular ang lindol. Nagbibigay ito ng sapat na kaalaman sa atin halimbawa nito ay ang drop, cover at hold na mga paraan upang makaligtas sa oras na dumating ang ganitong sakuna.
Noong isinagawa ang gawaing iyon, ay napansin ko na marami ang hindi seneseryoso at pinagwawalang pakialam na lamang ang drill. May mga nagtutulakan, nagtatawanan at bumibili pa sa tindahan. Marahil hindi pa nila nakikita ang kahalagahan nito sa kanila bilang mag-aaral. Hindi lang naman mga iilan o mga taong posibleng maapektuhan ng lindol lamang ang kabilang dito pati ang tulad mong mag-aaral ay dapat na malaman ang magiging dulot nito kapag ika'y nakiisa. Dapat sa ganitong mga klaseng gawain, ay ating seryosohin at bigyang halaga upang maging handa sa anumang sakuna.
Ang Aking Inaasahan
Marami tayong mga inaasahan sa bawat bagay. Mga inaasahan na tiyak na makapagbibigay galak sa atin kapag atin na itong nakamit o ito'y natupad. Ngayon na nasa bagong yugto na naman ng aking buhay, ang baitang siyam. Alam ko na malaki ang mga pagbabago ngayon kumpara sa nakaraang baitang. Bagong aralin mga akda at marami pang iba .
Sa unang markahan sa Filipino 9, inaasahan ko na matutunan ang bawat aralin na tatalakayin namin. Inaasahan ko rin na ang bawat akda , maikling kuwento, nobela, tula at iba pang uri ng panitikan ay maging kapana-panabik, madaling maintindihan at tiyak na kapupulutan ng aral. Nais ko rin madiskubre ang aking mga kakayahan pagdating sa presentasyon, gramatika/pagsulat at pananalita. Ako rin ay umaasa na maayos akong makikilahok sa talakayan. Inaasahan ko rin na malaman ang bawat kultura, paniniwala at ugali ng bawat mamamayan ng mga bansa sa timog-silangang asya sa pamamagitan ng mga akda nila.
Bilang panapos umaasa ako na marami akong matutunan pagkatapos ng markahang ito upang maihanda ko ang aking sarili sa susunod na markahan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)